Baka sakali iyakan mo ito.
Tuwing nagmamakinilya o nagsusuklay o
nagsisindi ng sigarilyo -
huwag kang mabibigla ha,
kung sumanib ako sa hangin.
Dangkasi bakit kailangang araw-gabi
tumulay ako sa walang katapusang alambre
kung magtatapat na ba o mananatiling kaibigan;
samantalang ang talampakan ko'y pinuyat na
nang maikli nating pagkakakilala.
Tuwing bumubulusok tinutubuan ako ng kaliskis
nagiging itim na bato ang puso
hanggang hindi ko na makilala ang sarili ko.
Nakakahalata ka na sa selos ko
parang ahas na inaalagaan sa dibdib
at nang lumabas ang mga salita
ay parang mga bubog na nga.
Samantalang ang alam ko pag nagmamahal ka
dapat nagiging balabal mo ang araw
at lumulutang ang himig sa iyong mga mata.
Kaya pipiliin ko na lang ang hangin, ang bagwis,
at lumipad sa paghinga ng sanlibong anghel.
At nang sa gayon hindi mo na aabangan
ang pagbulusok ng napunding allitaptap
Sa halip ay iinumin mo na lang ang aking paglipad
dahil hindi mo na ako abot-tanaw.
At nang sa gayon ang pagmamakinilya ko
ang pagsusuklay at pagsisindi ng sigarilyo
ay kasama na sa hangin na hinihinga mo.
Baka sakali iyakan mo ito.
Pero alam ko hindi.

3 comments:
This is an original poem of Mr. WILFREDO O. PASCUAL, JR. To Mr. Pascual, please accept my sincerest apology for not acknowledging you in this piece of perfection. Again, sorry and thank you so much for sharing your talent and creativeness to your fellow followers.
Post a Comment